Bakit ba Lyrics [Verse 1] Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama Mas okay pang laging gan'to, nalilimutan ka Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko? Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita Subalit nasaan ka na, sumama sa iba? [Chorus] Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa? Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na? Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya Wala pa ring kwenta, bakit ba? [Verse 2] Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo 'ko? Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo? Sana ay mahalin ka n'ya at 'wag kang sasaktan Kahit 'di na tayo, problema mo'y sabihin lang Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin Nagbabakasakali na muli kang dumating Bakit ba kay hirap ng kalagayan ko ngayon? Kaya't sa 'king sarili ay laging nagtatanong [Chorus] Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa? Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na? Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya Wala pa ring kwenta, bakit ba? [Instrumental Break] [Chorus] Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa? Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na? Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya Wala pa ring kwenta, bakit— [Outro] Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa? Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na? Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya Wala pa ring kwenta, bakit ba?
Preko 20 000 karaoka.